OFWs and Financial Literacy

CNN’s “Eye On” made a special report on the Philippines recently, focusing on our Overseas Filipino Workers or OFWs. The report stated that while they earn billions of dollars abroad, our OFWs are faced with the challenge of investing their money wisely.

So to address this, CNN said the Philippine government ventured on providing financial literacy trainings to teach OFWs money management and investment skills and to equip them with the necessary knowhow to “stop their relatives back home from spending all the cash.”

“There’s a lot of money,” Philippine Ambassador to the United Arab Emirates Grace Princesa told the CNN. “If we can guide overseas Filipinos and their families to invest, I think that will be a large source of private-public sector cooperation,” she said.

Ambassador Princesa and the Philippine government appear to be trivializing the almost four-decade old forced Filipino migration and its ruinous social costs. For them the solution to the complex issues and problems besetting our OFWs and their families is as simple as educating them on how to spend their hard-earned cash wisely.

What’s worse, the fact that the government is again turning to our OFWs to invest their money if only to spur economic growth, reveal its parasitic reliance to OFW remittances. It also proves that the government has no plan at all in generating long-term and sustainable jobs in the country.

OFW country

The Philippines has been in the business of exporting Filipinos since the early ‘70s. Right now, we have more than 12 million Filipinos toiling in almost 200 countries worldwide. In 2010, OFWs remitted $18 Billion, according to the Bangko Sentral ng Pilipinas. The amount contributed to the spike in the country’s growth rate from 5.6% in 2009 to 8.2% towards the end of 2010. The total remittances that year were equivalent to 8.7% of the country’s Gross National Product (GNP).

Indeed, the money generated by our army of OFWs is huge. But we need to dissect this further.

Government data shows that majority of Filipinos overseas works on service, production and skilled job categories such as domestic workers, caregivers, factory and construction workers, among others.

This means, a huge chunk of OFWs labor on jobs that are tagged as ‘dirty, difficult, demeaning and dangerous’ – or jobs that does not pay well, however backbreaking and demanding it is.

In fact according to Migrante International, a global alliance of OFWs and their families, a remittance-dependent family in the country receives only an average of P7, 000 a month from their relatives abroad. A survey conducted by Hong Kong based migrant Filipino groups also reveal that a typical OFW there sends their families here a measly average of $166 (P6, 640) a month.

This goes to show that the money received by remittance-dependent families here in the country simply is not enough if we compare it to the government estimated data of P29, 000 needed by a family of six to survive. Even if their husbands or wives here in the country have jobs, the pay on the domestic front is glaringly insufficient considering the unabated increase in the prices of oil and petroleum products, transportation, education, utilities and other basic commodities.

So, if the majority of our OFWs barely have enough cash to support their families’ needs here at home, where on God’s earth will they find the money to save or even invest?

To say then that the problem lies in our OFWs’ ignorance in money management is tantamount to saying that they and their families that depend on them are ‘waldas’ (irresponsible spenders) and ‘bilmokos’ (local street slang for ‘buy me this, buy me that’).

Our OFWs don’t need ‘financial literacy’ trainings.

What they need and deserve are sustainable and gainful employment here at home. What they need and deserve is a government that is truly responsive to their needs. ###

Advertisements

Lilipad ang mga bato

Bakit ka magugulat
kung may handang makipagpatayan
para ipaglaban
ang gigibain niyang tahanan?

Bakit mo ipagtataka
kung makita mo mang
nagliliparan ang mga bato
patungo sa direksyon
ng mga berdugo
na ang pakay ay
manira ng pinagsikapang
ipundar na kinabukasan?

Bakit mo kamumuhian
ang mga namukol
ng bato, nanirador,
nag-alimura;
samantalang,
sa kabilang panig ay
umaalingawngaw ang
putok ng mga baril,
nanggagaling ang alingasaw
ng nakasusulasok na teargas,
at nagmumula ang lagaslas ng
malakas na bomba ng
tubig imburnal?

Bakit mo tatawaging ‘tarantado’
at ‘hampas lupa’
ang mga sinasabi mong ‘iskwater’
habang tahimik ka naman
sa malaking negosyanteng si Henry Sy
na walang gatol kung magpalayas
sa libo-libong pamilya
para lamang magtayo
ng magarang condominium
sa lupang kinatitirikan
ng kanilang mga bahay?

Bakit mo tatawaging mga ‘bobo, ‘tanga’
at ‘nagpapasulsol sa mga taga-labas’
ang mga sinasabi mong ‘iskwater’
na para bang kabobohan o katangahan
kung di man ay nabubuyo lamang ng sulsol,
ang mga tao na magtatanggol sa tahanan
ng kaniyang pamilya?

Bakit hindi ka man lamang
kinilabutan nang may mabuwal
mula sa hanay ng
mga residenteng lumalaban?
Kesyo ba may ‘demolition order’
naman mula sa korte
ang mga pulis na namaril
at sampid lamang sa lupa
ang namatay?

Bakit hindi ka mangilabot
sa gubyernong handang
manggiba ng tahanan ng mga Pilipino,
habang ibinabahay naman
ang mga armadong tropang ‘Kano
sa ating bayan;
labag man ito sa ating Konstitusyon,
sampal man ito sa ating
pambansang integridad at soberanya;
banta man ito sa puri ng ating mga kababaihan?

Bakit hindi ka mangilabot
kay Henry Sy
na walang pakundangan kung
huthutan ng tubo
ang libo-libo niyang mga
kontraktwal na manggagawa
sa kaniyang emperyo
ng malls at supermarkets;
si Henry Sy na walang takot
kung mamutol ng halos
dalawang daang mga puno
para lamang magtayo ng
paradahan ng sasakyan
sa isa niya pang mall?

Bakit ka magtataka
kung may aping nagbabangon
para ipagtanggol ang kanilang karapatan,
buhay man ay i-alay?

Huwag kang magtaka…
Hindi ka dapat magtaka,
dahil hangga’t may uring nagsasamantala,
hindi matatapos ang
paglipad ng bato
sa mga Silverio Compound
sa ating mundo.

Tiyak ang pagbabangon ng mga api,
para durugin ang mga gaya ni Henry Sy!

Photo from Tudla Productions

 

Si Reyna Kristeta

Si Reyna Kristeta
nagbahagi ng anekdota
hinggil sa ekta-ektaryang
lupain nilang Hacienda Luisita

Nirerespeto daw niya
at ng kaniyang pamilya
ang desisyon ng Korte Suprema’ng
nag-utos na ipamahagi na ang Hacienda
sa mga magsasaka

Tutal mabubuhay naman daw sila
kahit walang anim na libong ektaryang lupang
taniman ng tubo at asukarera;

Tutal kinaya naman daw nilang mabuhay
nang “agawin” daw sa kanila ang lahat
noong panahon ng diktadurya

Ah ganoon ba Reyna Kristeta?
Personally, wala ka namang problema?
Ano nga ba naman ang paki mo sa isyu ng Lusita,
e kaliwa’t-kanan ang endorsements mo
at naliligo ka sa pera?

Pero habang dinadaan mo sa tweet
ang pagbabale-wala sa desisyon ng Korte Suprema,
Naisip mo ba kung gaano ka-kriminal ang ginawang pangangamkam
ng iyong angkan sa Hacienda Lusisita?

Pera ng taumbayan ang ipinambili sa lupa,
ipinautang sa iyong angkan
sa garantyang ipamamahagi ito sa mga magsasaka
sa loob ng sampung taon.
E 1968 pa iyon!
Ano na bang taon na ngayon,
Ha, Reyna Kristeta?

Ano ba ang tinutukoy mong “suffering”
ng family ng iyong Mom?
E ilang taong pinahirapan
ang libo-libong mga Mom sa inyong Hacienda
dahil ang mga Dad doon ay P9.50 lang ang kita!

“Clearer picture” ba ika mo ang nais mong
aming makita?

Klaro nga. Klarong klaro.

Kasing klaro ng kapasyahan ng mga pesante
noong bisperas ng Rebolusyong Pranses
na ibagsak ang naghaharing monarkiya
at parusahan ang Hari pati na ang Reyna*

Ang Reynang iyon na kasing taklesa ng paborito nating
si Reyna Kristeta
ay minsan ding nag-‘tweet’ noon na “let them eat cake”
sa mga pesanteng nag-aaklas dahil sa kasalatan ng pagkain at katarungan.

“Wala na bang tinapay (bread)? Bakit hindi nalang cake ang kainin ng masa,”ang sagot ng Reyna sa nag-aaklas na madla.

Paglaon, ang Reynang iyon ay sinintensyahan
at pinugutan ng ulo ng taumbayan!

*Si Marie Antoinette ang Reyna ni Haring Louis XVI ng France. Pinatay siya, sa pamamagitan ng guillotine noong Oktubre 1793.

All-out inhustisya

Sa panahong napapatigalgal ka sa kawalan,
habang nilalabanan ang antok
o ang kagustuhang matulog…

Sa tuwing umiinit ang ulo
sa akusasyong mahilig ka raw mag-PSP…

‘Pag nahaharap sa salamin at hahawiin
ang natitirang buhok, para pogi ang dating
sa bago mong ka-date…

Pag-isipan din kung saang lupalop mo nahuhugot
ang lakas ng loob na manawagan ng
“all-out justice”…

Sapagkat hindi hustisya ang tawag sa digmang mapangwasak…
Takot at kamatayan ito para sa libo-libong mamamayang Morong nadadamay, napapalayas sa kanilang mga tahanan at lupang sakahan…

Todo-giyera itong nagkukubli sa slogang “all-out hustisya”!

Hustisya?
Kilabutan ka man lamang sana sa salitang hustisya..

Dahil wala pa ring hustisya
sa dugong dumanak sa paanan ng Mendiola,
noong panahon pa ng iyong Ina…

Dahil wala pa ring napapanagot sa mga pinaslang
na manggagawang bukid sa Hacienda ng iyong pamilya.

Dahil wala pa ring lupa ang mga “Boss” mong
naturingang “stock holder” pero walang makain sa mesa…

Dahil ang masa’y naliligo pa rin sa dagat ng inhustisya!

 


Overpriced ang petrolyo sa ‘tuwid’ na daan

Salamat sa KM64

Kami pa ang inutil? (Isang upisyal ng Embahada habang kausap ang sarili)

Sobra naman sila!
Paano naman nila nasabing walang konsyensya
ang mga upisyal ng embahada sa Saudi Arabia?
Porke ba hindi man lamang namin inasikaso ng husto
ang kaso ng pagkamatay ng kababayan nating
si Romilyn Ibanez sa Al-Khobar?

Maliwanang namang ‘suicide’ ang nangyari!
Tama ang mga otoridad na nag-imbestiga.
Nagpatiwakal si Romilyn sa pamamagitan
ng pagsaksak sa sarili ng paulit-ulit.
Sa leeg, sa sikmura at sa braso…
Sa leeg, sa sikmura at sa braso…

At para daw sigurado,
nilaklak pa ni Romilyn
ang halos isang konteyner ng sulfuric acid.
Kaya nga may mga paso siya ng asido sa bibig.
Ngayon anong ‘foul-play’ ang sinasabi nila?

Tapos sasabihin pa nilang inutil ang Embahada, ang gubyerno?
Eh tutok na tutok nga kami sa kaso ni Romilyn…
Sa katunayan, eksaktong isang taon lang naman ang binilang
para maiuwi ang mga labi ni Romilyn sa kaniyang pamilya…
Ang iba nga, nabubulok na lang sa mga freezer sa mga morgue rito  sa katagalan..

Sila pa ang may ganang mag-reklamo…
Wala na raw mata at dila si Romilyn
nung dumating ang bangkay niya sa kaniyang pamilya nitong nakaraan.

Tsk tsk tsk…

Hindi ba nila naiisip na pupwede namang,
pagkatapos pagsasaksakin ang sarili
at lantakan ang halos isang konteyner ng sulfuric acid,
ay tinungkab pa ni Romilyn ang kaniyang mata,
habang tinatabas ang sariling dila?

Tapos sasabihan nila kaming inutil!

Links:

Philippine Daily Inquirer: OFW’s remains repatriated; tongue, eye missing

Photo from Migrante-Middle East

Karosa ni Ginoong Obispo

Sa likod ng pulpito
Sa ilalim ng abito
ni Ginoong Obispo,
ay buaya na
nagpapanggap na Propeta,
lobong nagkukunwaring Pastol.

Takot maputikan ang paa,
ayaw magkakalyo sa lakad
sa sagradong pagpapahayag
ng mabuting balita;
si Ginoong Obispo ay lumapit
sa kampon ng kadiliman sa lupa.

Humirit ng karosa!

Ngayon hindi na sumasayad sa lupa
ang abito ni Ginoong Obispo;
Samantala, ang mga tupa na
sadlak pa rin sa pusali ng dusa,
nagsusubi pa rin ng barya
para lang may pang-ikapo
sa templong kinakatawan
ng nilalangit ngunit nilalangaw nang Obispo!

” I hope you will never fail to give a brand new car which would serve as your birthday gift to me. For your information, I have with me a 7-year-old car which is not anymore in good running condition. Therefore, this needs to be replaced very soon”  Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos in a February 2009 letter to former President Gloria Arroyo.

BANDILA (ABS-CBN): BISHOP ADMITS ASKING FOR VEHICLE FROM ARROYO

  • Calendar

    • August 2019
      M T W T F S S
      « Apr    
       1234
      567891011
      12131415161718
      19202122232425
      262728293031  
  • Search