The ‘weather-weather’ report

Panaka-naka pa rin
ang pag-ulan,
ang pag-kulog
at ang pag-kidlat…

Pero,
hindi pa man nakakagulapay
sa hagupit ng magdamag
na buhos ng ulan,
heto’t nagbabadya na
ang pagdating
ng buntot ng ‘cold front’

Pero,
ang bugso ng ‘hanging habagat’
na nananalasa at nangdadayukdok
pa rin hanggang sa mga laylayan ng aking
‘area of responsibility’
ay makulit na nagpapanumbalik
sa malulupit na mga ala-ala –
na gaya ng basa;
ng baha;
ng putik;
ng gutom;
ng evacuation center;
ng relief goods;

Pero,
nasaan ang relief?

Haaaay! Ang sarap sanang maligo
sa ulang dulot ng buntot
ng cold front!