‘Earth Hour’

Sige
Magpatay ka ng ilaw
ng isang oras;
at ang pagmamahal
mo sa kalikasan ay
iyong ipamalas

Ngunit alalahanin ding
hindi kailanman
malulutas
ng isang oras
na walang sindi;
ang pagtangis ng
kapaligiran
ay hindi mapapawi…

Kung patuloy
na ginagahasa
ng monopolyong kapital
ang Mundo,
habang pinapalakpakan
naman ng mga katutubong
burgesya kumprador,
ang walang habas
na paninira sa likas
nating yaman
sa ngalan ng tubo…

Malasing
sila rin ang
pumoposturang
tagataguyod kuno
sa engrade’t taunang
‘Earth Hour’…

Uutuin tayong sapat
na ang isang oras na
koordinadong kadiliman
para hilumin ang mga
sugat ni Inang Kalikasan

Samantalang
hindi tayo babangon
sa kadiliman
kung hindi natin huhugutin
sa saksakan
ang puno’t dulo
ng walang kapantay na kahirapan,
ng tao at ng Mundo…

Imperyalismo ang sanhi,
Kaya’t ito ang dapat nating
patayan ng sindi!

Pero sige,
magpatay ka ng ilaw
mamayang gabi

Advertisements

Araw-araw ang ‘Penitensya’

Dapat daw tayong magtika
at magpenitensya,
ngayong panahon ng Kuwaresma

Wala daw puwang
sa pagsasaya
sa nalalapit na okasyon,
at sa pagsasakripisyo daw,
dapat ang oras natin ay ituon

Ah, Magpasan daw tayo ng krus!
Matutong maghigpit ng sinturon!
At alalahanin ang hirap at dusang
pinagdaanan ng ating Panginoon

Ngunit hindi ba’t tila isang buong taon
na rin tayong nagtitika?
Araw-araw ang penitensya’t
paghihigpit ng sinturon;
dahil sa walang katapusang Kalbaryo
sa nagtataasang presyo
ng mga bilihi’t serbisyo?

Samantalang ang sahod nati’y
ipinako na sa Krus ng kahirapan,
anong lebel pa ba ng sakripisyo
ang dapat nating pagdaanan
para tayo’y makadama rin naman
ang pagpapalang tinatamasa
ng iilan?

comelecemployeesunion

Ni Mac Ramirez

Noong isang araw, nakatanggap ako ng mensahe sa Facebook mula sa isang kaibigang casual na computerized voters’ list (CVL) technician na nasa probinsya. Nagtanong siya sa akin kung ano daw ba dapat ang kailangan nilang gawin para lang maka-sweldo sila ng tama sa oras. Kailangan pa daw ba nilang mang-hostage para matauhan si Chairman, at maging ang Pangulo ng Pilipinas sa kanilang kalagayan?

Ang lakas ng dating sa akin ng mensahe niya. Dangan kasi, ubos na daw ang budget niya para pambili ng gatas ng anak. Reklamo niya, palagi na lang daw delayed ang sahod nila. Umaabot pa nga dalawang buwan kung minsan, ayon sa kaniya. Ang liit na nga ng sahod, lagi pang nahuhuli!

Ang masakit, dagdag pa niya, pati sa kanilang overtime pay kailangan nilang maghintay ng tatlong buwan bago nila matanggap.

Laging ganito ang kalakaran at ang madalas ma-apektuhan ay ang mga kasamahan natin…

View original post 599 more words