Intramuros

Ang malamlam na Intramuros
ay tila nananawagan
ng isang epikong tula

At ang mga butil ng ulan
sa mga salamin ng bintana
ng nagtatandaang mga edipisyo,
ay  paanyaya sa pagpatak ng luha
sa pisngi ng isang mangingibig
na ayaw pa ring sumuko

Nakikipaghabulan pa sa ritmo
ng yabag ng sapatos ng mga kabayo
sa mga daanang bato
ang karipas ng tibok ng puso;
Pusong binibingi ng katotohanang
iba na ang ihip ng kasalukuyan…

Kailangan na niyang maging masaya,
ngunit nananatili pa rin siyang tulala, umiiling, nagtatanong…

Naghihintay na matutunang mabasa na rin sa wakas
ang mensaheng iniukit ng kaniyang nakaraan
sa matayog at kahanga-hangang pader
ng Intramuros…

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s