Kung bakit umuulan ngayon ng bato sa EDSA

kuha ni Atom Araullo

Kung bakit ang mga sundalong Kano binabahay ng gubyerno sa pamamagitan ng VFA, tapos ang maraming mahihirap walang bubungan sa ulunan.

Kung bakit habang bilyon-bilyon ang kita ng mga matataas na upisyal sa jueteng, kickbacks at pangongotong; pinapalayas naman sa mga tahanan nila ang mga mamamayan.

Kung bakit may Pangulo tayong hasyendero – na sa kasalukuyan ay kumakain ng hotdog sa New York habang ibinabaon pa tayong lalo sa paghihirap bunsod ng mga kundisyong kasama sa mga nilimos niyang ayuda kuno – ay lubhang napakarami pa ring magsasaka ang walang lupang sinasaka.

Kung bakit kahit anong kayod ang gawin ng mga manggagawa, di pa rin mapagkasya ang kakarampot na kinikita para ipangbili ng pagkain, pangpa-aral sa mga anak at pangbayad sa upa sa tagpi-tagping bahay sa lugar na gaya ng Sitio San Roque sa may tabi ng Trinoma.

Kung bakit paparami ang bilang ng mga sanggol na inaabandona kung saan saan at di maawat ang paglaganap ng nakamamatay na dengue, sakit na puro mahihirap din naman ang puntirya; ay wala pa ring habas ang pagkaltas ng pamahalaan sa badyet na nakalaan para sa serbisyo sosyal.

Ito ang dahilan kung bakit maraming ‘iskwater.’

Ito rin ang dahilan kung bakit di papatinag ang mga mamamayan ng Sitio San Roque sa pagtatanggol sa mga tahanan nila.

Makatwirang paghahangad ng katarungang panlipunan. Ito ang dahilan kung bakit umuulan ngayon ng bato sa EDSA.

Mga kuha ni Kenneth Guda

2 Comments

  1. qwifg]iqegg

  2. tama ka brod, subukan mo kayang mging presidente masyadong kang maalam eh.


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s