Hangga’t may Mendiola

Here’s another one of my poems for the Hacienda Luisita massacre martyrs.

Hangga’t may Mendiola

Sa pagbulwak ng dagat ng mga kuyom na kamao

Tangan ang katwiran at diwang di yuyuko

Sa Mendiola ang pakay, Sa Mendiola hahantong

Sa Mendiola ang larangan, Sa Mendiola ang paghuhukom


Ang di magmamaliw na inspirasyon

Ng mga buhay na nabuwal, sa dambana mo’y

Ningas sa aming kapasyahan,

Tanganan ang duguang plakard

sa paligid mo’y nagkalat,

at sumulong sa landas

ng ganap na paglaya.


Sa Mendiola naganap

Ang madudugong labanan

Piping saksi sa pag-usad ng kasaysayan

Simbolo ng paglaban

Sa bawat kaapihan

Lunsaran ng masa

Ng bawat labanan


Hangga’t may Mendiola

Ang bayan ay may pag-asa

Hangga’t may kaapihan

Ang bayan ay may Mendiola


Dahil doon matatagpuan

ang mata ng katapusang sigwa,

kung saan isasambulat

ang naipong galit ng dusta’t dalita


Gigibain ang pader at aalpasan ang tarangkahan

Dudurugin ang nagkukubling halimaw

Sa palasyo ng kapangyarihan!


Sapagkat tiyak ang pagbabalikwas ng masang binusabos,

Sa Mendiola ang simula, Sa Mendiola rin magtatapos!

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s