Mundo nag-aalsa dahil sa gutom

Nitong mga nakaraang buwan, nasaksihan sa maraming bansa sa mundo ang pag-apaw ng matinding galit ng mga mamamayan dahil sa gutom dala ng sobrang taas ng presyo ng pagkain. Sumiklab ang mga pag-aaklas sa Morocco, Senegal, Uzbekistan, Guinea, Mauritania at Yemen. Pumutok din ang ‘pasta protest’ sa Italya, ‘tortilla rallies’ sa Mexico at ‘onion demonstrations’ sa India. Nag-aalsa na rin ang mga mamamayan sa Pakistan, Indonesia, Egypt, Burkina Faso at Ivory Coast. 

Sa Pilipinas, tikom and bibig ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa nagbabadyang malawakang kagutuman sa bansa. Walang krisis, aniya. Praning lamang daw ang mga nagsasabing mayroon. 

“Perfect Storm”

Ayon kay Josette Sheeran, Executive Director ng World Food Program (WFP), ang sangay ng United Nations na tumututok malawakang kagutuman, matatawag na isang “perfect storm” ng gutom ang kasalukuyang nananalasa ngayon sa daigdig. 

Sabi niya, sanhi ito ng grabeng taas ng presyo ng pagkain at petrolyo, bumubulusok na dolyar, tumataas na demand para sa biofuels at sunod-sunod na kaso ng mababang ani. 

Mahigit 73 milyong mahihirap sa mundo ang umaasa lamang sa pagkaing ini-rarasyon ng WFP. Ngunit dahil sa tumaas ng 55% ang gastusin ng ahensya simula pa noong Hunyo, nangangamba ngayon ang WFP sa posibilidad na magbawas sila ng rasyong pagkain o di kaya’y tumigil na lamang sila sa kanilang operasyon sa ilang lugar. Ilan sa mga tataman nito, ayon sa WFP, ay ang mga bansang nasa sub-Saharan Africa. 

Samantala, umabot naman noong nakaraang linggo sa 30% ang itinaas ng pandaigdigang presyo ng bigas. Dahil dito, agad na nagdeklara ng anim na buwang suspension ang Egypt sa pag-export ng kanilang bigas para umano tugunan ang pansariling pangangailan. Apektado kaagad ng hakbang na ito ang mga bansang Turkey, Lebanon, Syria at Jordan na pawang umaasa lamang sa angkat na bigas mula sa Egypt. 

Sinundan ito ng Vietnam, na nagdeklarang magbabawas ng 25% sa kanilang export. Naghigpit na rin sa kanilang bigas ang mga bansang India at Cambodia. 

Ang pag-sirit ng presyo ng bigas ay pinalala pa ng grabeng pag-taas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na umabot sa $100 kada-bariles. Nagdulot ito ng drastikong pagtaas ng gastusin sa produksyon at transportasyon ng bigas. 

“There are 854 million hungry people in the world and 4 million more join their ranks every year. We are facing the tightest food supplies in recent history. For the world’s most vulnerable, food is simply being priced out of their reach,” sabi ni Sheeran sa isang pahayag noong Nubyembre 2007.

Oktubre noon ding nakaraang taon, nagbabala si Jacques Diouf, director-general ng UN Food and Agriculture Organization ng mga pag-aaklas dahil sa gutom. 

“If prices continue to rise, I would not be surprised if we began to see food riots,” aniya. 

Ngunit para naman kay Arroyo: “Many are worried because there is a rice shortage around the world, that we will have a rice shortage. The price of rice would increase a bit but there would be no shortage, the supply is continuous.” 

Sa kabila nito, nauna nang nakiusap si Agriculture Secretary Arthur Yap sa mga restawran na maglagay sa kanilang menu ng kalahating-kanin. Nakatakda rin tayong mag-import ng 2.1 milyong metriko toneladang bigas mula sa Vietnam, 100, 000 tonelada naman mula sa Estados Unidos at 15, 000 tonelada mula sa Thailand. 

Noong isang taon, 1.87 milyon toneladang bigas lamang ang kinailangang i-angkat ng bansa. 

May Krisis – KMP

Sa kabila ng tahasang pagtanggi ng gubyernong Arroyo sa napipintong kagutuman sa bansa sanhi ng kakulangan sa bigas, nanindigan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na mayroong aktuwal na krisis. 

Ayon kay Rafael “Ka Paeng” Mariano,  tagapangulo ng KMP, maging ang National Food Authority (NFA) at ang Department of Agriculture (DA) ay alam na nagbabadya ang pagputok ng krisis sa pagkain sa Pilipinas. 

“The main cause of this crisis is the backward and feudal state of agriculture in the country and is worsened by neo-liberal policies of the Macapagal-Arroyo regime and trade liberalization that has drastically cut rice lands through land-use conversions and crop conversions. Now this was further aggravated by the rice cartel by their control of the rice industry and their hoarding practices today,” paliwanag ni Mariano. 

Nagpakita pa ang KMP ng mga memo mula sa NFA, na nagdedetalye ng mga pagsusuri ng ahensya hinggil sa posibleng sanhi ng krisis sa bigas, at mula sa DA na naglalaman naman ng mga pandaigdigang kaganapan hinggil sa krisis sa bigas at tumataas na presyo nito. 

Ayon pa kay Mariano, patuloy pang tataas ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan kahit pa magsisimula nang umani ng palay ang mga magsasaka sa bansa sa isang buwan. Ang agresibong pagsasara ng maraming bansa sa kanilang mga eksport na bigas, mga peste na umaatake sa mga palayan ng Delta Province sa Vietnam, at ang patuloy na paglobo ng populasyon sa Gitnang Silangan at Africa; ang ilan sa mga itinurong dahilan ni Mariano. 

“It is crystal clear that there is an actual crisis, that is why Malacanang is trying to increase our rice stock through importation,” idiniin ni Mariano. 

Ngunit nanindigan ang lider magbubukid na hindi solusyon ang importasyon sa krisis sa bigas bagkus palalalain pa lamang nito ang sitwasyon. “Food security program based on imports is not food security at all,” aniya. 

“What we need now are immediate rice price controls and at least a 25 percent increase in the local procurement of rice of the NFA, so that the cartel cannot get their hands on the April-June harvest. These are our only chance to stave off the rice crisis until we implement genuine agrarian reform, so that this will not happen again,” pagtatapos ni Mariano. ###

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s