Lusot ni Gloria sa napipintong pagbagsak, luto na?

Tila nakaka-amoy na ng nalalapit nitong pagguho, ngayon pa lamang ay plantsado na umano ng kampo ni Pangulong Gloria Arroyo ang kanilang ‘exit plan,’ sabi ng isang insider ng Palasyo sa pahayagang Daily Tribune.

Ayon sa source, isang “constitutional ouster” umano ang isasagawa ng mayorya ng mga miyembro ng Gabinete para pababain sa puwesto si Gloria Arroyo at iluklok bilang kapalit si Bise Presidente Noli de Castro. Pinapahintulutan daw ito sang-ayon sa Section 11, Paragraph 2, Article Vll ng Saligang Batas na nagsasaad: “Whenever a majority of all the members of the Cabinet transmit to the President of the Senate and to the Speaker of the House of Representatives their written declaration that the President is unable to discharge the powers and duties of his office, the Vice President shall immediately assume the powers and duties of the office as Acting President.”

Sinabi pa ng insider, may go signal na raw umano sa hakbang na ito si Arroyo dahil segurado namang titiyakin ni de Castro na protektado ang Pangulo laban sa mga isasampang asunto bukod pa sa hindi pakiki-alaman ang mga “nakaw na yamang” nakalap nito at ng kaniyang pamilya.

“I am the Vice President”

Uumpisahan daw ang planong ito sa sandaling uminit na ng husto ang sitwasyon ayon sa insider. Sinabi pa niya hindi tatanggi si de Castro sa nasabing estratehiya dahil bukod sa magagamit na niya ang nalalabing dalawang taong termino ni Arroyo bilang Pangulo, maaari pa siyang tumakbo ulit sa 2010 gamit ang buong rekurso ng pamahalaan para matiyak ang pagka-panalo.

“He stays on for 8 years as President. He won’t say no to such a deal” turan pa niya.

Sa kaniyang mga binibitawang pahayag kamakailan, kapansin-pansin ang tila ay pagbabagong anyo ni de Castro na noon ay hindi pumupusisyon sa mga maiinit na isyung bumabalot sa bansa. Sinabi niya sa publiko na pabor siya sa nagaganap na pagdinig sa Senado ukol sa NBN deal para umano malaman ang katotohanan.

At nang tanungin siya ng mga mamamahayag kung handa ba siyang humalili kay Arroyo kung sakaling mapatalsik ito, walang kagatol-gatol na sinabi niyang: “It’s really up to them (critics of the president) if we’re going to follow the Constitution. What can I do (but succeed her)? I am the Vice President.”

Kamakailan muling umugong ang mga panawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Gloria Arroyo matapos magsa-publiko si Engr. Rodolfo “Jun” Lozada ng kaniyang mga nalalaman hinggil sa $329 milyong kasunduang National Broadband Network.

Sa dalawang magkasunod na hearing sa Senado, binunyag ni Lozada na lubhang “overpriced” ang nasabing kasunduan at isinangkot sina dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos at ang kabiyak ng Pangulong si Mike Arroyo sa mga nakinabang umano sa multi-bilyong mga “kickbacks.”

Inulan din ng batikos ang Palasyo dahil sa umanoy tangkang pagdukot kay Lozada nang dumating ito sa bansa nitong nakaraan. Sabi ng mga kritiko, desperado na ang Pangulo kaya naman lahat ng makinarya ng pamahalaan ay ginamit nito para mahadlangan lamang si Lozada sa pagtungo sa Senado.

“Communal Action”

Bunsod nito, nanawagan na ang Simbahang Katoliko ng sama-samang pagkilos para hanapin ang katotohanan at ng sa gayo’y mailigtas ang bansa sa matinding kurapsyon ng mga taong nasa kapangyarihan.

“Only the truth not lies and deceits will set our country free. This truth challenges us now to communal action” ayon sa mga Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kanilang pahayag noong Pebrero 10, 2008.

Nabubuo na rin ngayon ang malapad na prenteng nananawagan ng pagpapatalsik kay Arroyo. Noong Martes (Pebrero 12), 80 organisasyon ang nagsama-sama para buuin ang Concerned Citizens Movement. Kabilang sa bagong tatag na grupo ang mga kilalang kritiko ni Arroyo tulad nina Dra. Minguita Padilla, Linggoy Alcuaz at Rez Cortez.

Nanawagan na rin ng isang misa si dating Pangulong Corazon Aquino at ang La Salle Brothers sa darating na Linggo (Pebrero 17) para ipagdasal si Lozada at ang kaniyang pamilya.

Ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) naman samantala, nagsabi nang dadalo ang kanilang hanay sa malaking rali ng mamamayan na gaganapin sa darating na Biyernes (Pebrero 15) sa Lungsod ng Makati.

“We will join the protests to show our outrage over the shameless cover-up of corruption. The arrogance and impunity of the Arroyo regime and its brazen use of state machinery to silence and harass people like Jun Lozada are too much,” sabi ni Renato Reyes Jr, Secretary General ng BAYAN.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s