Kasalan sa Pilipinas, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagpapakasal ayon sa kalalabas lamang na ulat ng National Statistics Office (NSO). Sa datos na nakalap ng NSO mula sa mga tanggapan ng City/Municipal Civil Registrars sa buong bansa, napag-alamang sumadsad ang kasalang Pinoy ng 1.9% o mula sa bilang na 593,553 noong 2003 patungong 582,281 pagsapit ng 2004.

Ayon pa sa ahensiya, kung noong 2003 ay may 1,626 ang nagpapakasal kada-araw, bumagsak ito sa bilang na 1,591 noong 2004. Dagdag pa nito, mayrong 7 sa bawat isang libong tao ang ikinasal noong parehong taon.

Nanguna naman ang National Capital Region (NCR) sa nagtala ng pinakamaraming bilang ng nagpakasal na umabot sa 92,921 o 16.0% ng kabuuan. Sinundan naman ito ng CALABARZON na may 76,800 o 13.2% at Gitnang Luzon na nakapagtala ng 72,861 kasalan o 12.5%. Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) naman samantala, ang humawak sa puwesto ng may pinaka-kaunting bilang ng ikinasal noong 2004. Umabot lamang ang bilang nito sa 2,624 o 0.5% ng kabuuang bilang sa buong bansa. Bumagsak din ang bilang ng mga kasalan sa Western Visayas, NCR, Davao at Negros Occidental sa taong 2004 kumpara sa 2003, ayon pa sa NSO.

Samantala, mas marami naman ang mga bumigkas ng “I do” sa ilalim ng kasalang sibil (276,233 or 47.4%) kaysa sa simbahan (212,236 or 36.4%).

Annulment tumaas

Habang bumaba ang bilang ng mga napapakasal sa Pilipinas, lumobo naman ang dami ng mga nagnanais ipawalambisa ang kanilang kasal sa mga Korte ayon sa Office of the Solicitor General, bagay na nagtulak sa ahensiya para humiling sa Simbahang Katoliko na makialam na sa isyu.

Ayon kay Solicitor General Agnes Devanadera, may 7,753 marriage annulment cases ang lumapag sa mga Korte noong 2007 kumpara sa 7,138 noong 2006 at 5,773 noong 2005.

Puna pa ni Devanadera, tila kinukunsinte na ang bagay na ito ng ating lipunan kaya naman nanawagan siya sa simbahan na umaksyon ukol rito.

Kung si Lingayen-Dagupan Arcbhishop Oscar Cruz naman ang tatanungin, panahon na raw para itaas ang edad na maaari nang pahintulutan ng batas ang isang tao na ikasal.

Ayon pa kay Cruz na siya ring pinuno ng CBCP National Appellate Matrimonial Tribunal simula pa noong 1971, sadyang “psychologically unprepared and emotionally unstable” pa ang mga ikinakasal sa gulang na 18, edad na pinapayagan ng batas.

“Getting married at 18 could be disadvantageous since a person at such an age is still unripe or incapable of raising a family,” sabi niya.

Kaya naman sa pagpupulong ng mga lider Simbahan at mga mambabatas kamakailan, iminungkahi na ito ni Cruz sa mga lider ng Senado at Kamara.

Wala namang nabanggit ang Obispo kung anong gulang sa tingin niya magiging handa ang isang tao sa responsibilidad ng pagpapamilya ngunit sinabi niyang umaabot sa 150 marriage annulment cases ang idinudulog sa kanilang tanggapan kada taon.

Diborsyo

Ngunit ang murang edad lamang ba ang pangunahing dahilan ng hiwalayan sa bansa? Para sa grupong pang-kababaihang Gabriela, sadyang malalim at mahaba ang listahan ng mga dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang mga mag-asawa.

Ilan lamang sa mga ito ang pambubugbog, pagmamaltrato, pag-aabandona at pangangaliwa. Kaya naman noong 2005, ang Gabriela Womens’ Partylist ay naghapag na ng panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso para payagan na ang diborsyo sa Pilipinas.

Gaya ng inaasahan sadyang maraming balakid na pinagdaanan at pinagdadaanan ang panukalang lehislasyon sa kabila ng pagtitiyak ng Gabriela na may mga kalakip na “safeguards” ang kanilang panukala para hindi naman maging “common recourse” ang diborsyo.

Paliwanang pa nila, maging mga sentro ng Katolisismo nga gaya ng Espanya at Italya ay pinapayagan ang diborsyo at ang mga bansang ito ay kabilang sa may pinakamababang “divorce rates” sa daigdig.

“Perhaps these societies have a self-regulating mechanism. And religion is one of them. So if we really are confident of our religiosity, then why should we be afraid of divorce?” sabi ni Rep. Liza Maza sa isang pahayag na nalathala sa ChannelNewsAsia.com noong 2005.

Sa ngayon, ang Pilipinas na lamang at Malta ang natitirang bansa sa daigdig na walang batas na pinapayagan ang diborsyo.

11 Comments

  1. yeahh…
    maraming salamat sa informasyon…

  2. walang anuman angelo.

  3. paano na ang mga bata?? sila ay kawawa

  4. tama ka veelou. Kawawa naman talaga ang mga batang ikinakasal at nauuwi lang sa hiwalayan.

    Sa artikulo, tinukoy naman na sadyang maraming mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga mag-asawa, isa lamang sa mga ito ang murang edad at kapusukan ng kabataan.

    Kaya naman marami na talaga ang nananawagan na gawing ligal na ang diborsyo sa Pilipinas para mabigyan ng rekurso ang mga mag-asawang di naging maganda ang pag-sasama.

  5. Oo at marami na nga nagnanais na magkaroon ng deborsyo subalit paano na lamng ito kung dumating ang araw na nagsawa na ang mag-asaw? kawawa ang mga bata.. bakit hindi nalang natin baguhin ang edad ng mga nararapat na magpakasal? sa paraang ito makatitiyak tayo na nasa mas stable na posisyon ang kaning mga damdamin. kung ang edad na 18 ay siyang mga nauunang maghiwalay, hindi kaya mas maigi kung mas tamang palitan ang edad ng mga handa nang magpakasal? natitiyak ko mas malaki ang bilang ng mga mag-asawa na nananatiling mag-asawa sapagkat sila’y handa at nasa tamang edad nang sila’y nagsama. Isa pa karaniwan na kasi ngayon ang live-in… paano na lang kaya ang mga kawawang bata?

  6. nag tatanong lang ako kinasal ang lolo ko 1930 may unang asawa ang lola ko pero di kasal ang ari arian ay natuklasan kong nakapangalan sa lola ko dati nyang apelyido ano po ang karapatan ko sa ariarian .at meron po bang karaptan ang apo nya hindi kasal ang lolo nya ako po yung apo na may kompletong dokumento. puede po bang masagot tanong ko. patay ng lahat lolot lola ko

  7. hi.. pasensya ka na hindi ako pamilyar sa tanong mo eh. Mukhang matatagalan pa bago ako maging abugado.

    Salamat sa pagbisita, sana nakatulong ng kaunti sa iyo ang artikulo.

  8. alam natin na ang kasal ay isang sagradong bagay kaya dapat hindi basta-basta naghihiwalay ang mga taong ikinakasal. Pero kung iisipin mong mabuti mas mamarapatin mo bang mabuhay kasama ang isang taong hindi mo na kayang pakisamahan? Oo nga’t maaapektohan ang mga anak, pero naisip nyo rin ba na mas nasasaktan sila habang nakikita nilang ang kanilang ang kanilang mga magulang ay hindi na masaya sa kanilang pagsasama? Kung ako ang anak mas gugustuhin ko pang mag hiwalay nalang sila kaysa naman nagsasama nga sila pero labag naman sa kanilang kalooban.

  9. tnx pfuh ng marame xa info..!!!
    ingatz..!
    (n_n)

  10. xa susunod p[fuh let..!

  11. hi


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s