PAGHAHANDA

Markahan sa mga kalendaryo,

ilagay sa reminder ng telepono, ikarga sa task ng PDA;

ang wala ng mga ito– magbilang ng paatras sa daliri.

Tandaan: Mula Hulyo a-kinse,

dos mil siyete;

buburahin sa lupa ang terorismo!

Kaya’t ang lahat ay maghanda.

Huwag maglakad ng nag-iisa.

Umuwi na nang maaga. Magdala ng anumang pagkakakilanlan.

Magpagupit at mag-ahit.

Magpa-manicure at pedicure. Magpa-foot spa at derma.

Ang walang kakayanang gawin ang mga ito– magsapaniki at gawing araw ang gabi.

Tandaan: Mula Hulyo a-kinse,

taong dos mil siyete;

lilipulin sa lupa ang mga kaaway ng batas!

Kaya’t ang lahat ay maghanda.

Iwasang magdala ng anumang sumasabog; granada, atis, abokado,

kamote; dinamita, C4, C2, Gatorade.

Iwasang magdala ng anumang pumuputok; Armalite, M-14, MP-5, mp3, WMA.

Iwasang magdala ng anumang sumasambulat; bomba, Bulgar, Toro, Abante, Inquirer.

Ang sadyang di gumagamit ng mga ito; ni huwag magbibiro, ni huwag iimik.

Tandaan: Mula Hulyo a-kinse,

taong dos mil siyete;

didisarmahan ang mga bandido!

Kaya’t ang lahat ay maghanda.

Iwasang maging kahina-hinala dahil ipagbabawal ang paghihinala!

Iwasang maging kaduda-duda dahil ipagbabawal ang pagdududa!

Iwasang maging mareklamo dahil ipagbabawal ang pagrereklamo!

Ang sadyang makati ang dila– basahin at bigkasin itong aking tula!

Tandaan: Mula Hulyo a-kinse,

taong dos mil siyete;

bibiguin natin ang Batas Kontra- Terorismo!

AXEL PINPIN

Detinidong Pulitikal Camp Vicente Lim

Cabuyao, Laguna

June 30, 2007

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s