kung ako si koko

susuko na ko. Pero bago niyo ko batikusin, hayaan niyo muna ako magpaliwanag.

Pag nag-concede kasi siya, mas panalo siya sa pulitika kesa kay Zubiri. Baket? Kasi, maaagaw niya ang inisyatiba. Malalagay ngayon siya sa ‘high moral ground’ para bumira ng katakot-takot na pandaraya at kung ano ano pang magic na naganap diumano sa Maguindanao.

Kahit ano pang sabihin niya, paniniwalaan siya ngayon ng masa kasi patok na patok sa takilya ang mga ‘underdog’. Dapat dito mamuhunan si Koko.

Pag nagka-ganito nga ang sitwasyon, si Zubiri naman ngayon ang magkukumahog. Malamang masabi niya “naisahan ako dun a”. Kasi pihadong caught off guard siya, o kahit na sinong mga pulitiko, sa ganitong mga moments.

Pati COMELEC, malamang pumirmi na ng pusisyon. Kasi nga sabi ng COMELEC  nung umpisa”statistically improbable” yung results sa Maguindanao kaya na-set aside muna ang canvassing ng mga COC galing doon. Tapos, magdedeklara daw ng failure of elections at mag seset ng special elections, pero bandang huli, binawi rin. Tapos, pagkaraan ng ilang isnaban sa hearing tungkol sa Mguindanao (nila Bedol at ng mga Election Officers), sumipot si Bedol.Pero nanakaw naman daw yung mga COC, di nga lang niya alam kung sino nagnakaw.

At pagkatapos, nagpasya na yung COMELEC na lumipad na papunta Maguindanao para eksaminin once and for all yung mga ‘accountable election documents’. “Authentic” naman daw yung mga dokumento sabi ni Comm. Ferrer. Pero mga 2nd copies lang daw yun. Yung 4th copy, na kopya ng COMELEC, sinurender daw ng mga EO kay Bedol. Yun siguro yung nanakaw? Ewan.

Habang nagaganap ito, nagkakarambulan na sa Shariff Kabunsuan at binoboykot na ng mga taga-Taysan Batangas ang iniskedyul na special elections para sa lugar nila.

Si Zubiri naman, lumabas sa mga diyaryo yung mga litrato niyang nagdadasal. Si Koko, papunta yata sa Supreme Court para hilingin na wag na bilangin ang mga boto sa Maguindanao. E napanuod na ng taumbayan sa TV si Chairman Abalos nung nakaraan na sinesermunan yung abugado ni Koko na pag in-exclude ang COC sa Maguindanao, ‘disenfranchisement’ ang katumbas nun. Siyempre, agree agad yung kampo ni Zubiri.

Kaya nga, sa tingin ko, mas mainam na magparaya na lang muna itong si Koko. Yun nga lang kailangan ideklara niya na ang pag concede niya ay with utmost reservations kumbaga. Saka siya magmauyong ngayon sa mga sinasabi nilang mga ‘manufactured’ COCs, pandaraya etc.

Ewan ko na lang kung di pa siya yakapin ng masa.

Pag nagkagayon, mga frends, si Zubiri ay uupo sa Senado na medyo nakataas ang kilay ng mga tao. Para bang ang dating ay pilit na pilit ang pagkapanalo niya. Tatatak sa kasaysayan na naging Senador lang siya kase, nagparaya si Koko. At siyempre, kasi ‘nandaya’ siya.

Habang tiyak ang pagkandili ng masa sa kabayanihan ni Koko sa kaniyang pag concede, kung ako kay Koko, maghahanda na akong sumabak ulit sa special Senatorial elections para sa vacancy na iiwan ni Mayor Lim. Ewan ko lang kung masilat pa siya diyan.

Pero, lilinawin ko lang ha, ito ay kung ako lang si Koko.

  

    

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s