Lahat tayo’y Palestino

Ngayon –
Habang inuulan ng pamatay na rockets
ang kalakhang Gaza;

Habang wari’y walang katapusan
ang pagbuwal ng mga inosenteng buhay
sa kinakamkam nilang lupa;

Habang pinupulbos ang
mga tahanan, paaralan
at lugar nilang Sambahan;

Habang umaagos ang dugo,
at binabalot ng pagtangis
at sigaw ng paglaban
ang kalupaang pilit
na kinukubabawan
ng mga Zionistang mapanlipol;

Rumaragasa sila sa Gaza
na parang asong ulol;
Sumasagasa para manggahasa
ng mga inosenteng bata, Ina, matatanda -

para pumatay, para pumatay…

Matunghayan nila sana ang unti-unting
pagiging Palestino ang lahat ng mga tao;
katulad ng pagiging Hudyo ng mga mamamayan ng Mundo
nang sila naman noon ang nililipol ng mga demonyo!

About these ads

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 26 other followers