TUITION FEE INCREASE NA NAMAN!

Huli na ang lahat.

 

Ito ang magkakaparehong reaksyong ipinukol ng mga grupong estudyante pati na rin mga may-ari ng mga eskwelahan sa kautusan ni Pangulong Gloria Arroyo na ihinto ang anumang pagtataas sa matrikula sa nalalapit na pasukan ngayong Hunyo.

 

Ayon sa Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities (PAPSCU), sadyang huli na ang direktiba ni Arroyo sapagkat tapos nang idaos sa mga eskwelahan noong Pebrero pa, ang mga konsultasyon kung saan ihinahapag ang panukalang badyet para sa pasukan.

 

Ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), na grupong kinabibilangan din ng PAPSCU, Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Association of Christian Schools Colleges and Universities (ACSCU), Philippine Association of Colleges and Universities (PACU) at ng Technical-Vocational Schools Association of the Philippines (TEVSAPHIL); ay nagsabing wala na rin silang magagawa, sa simpleng dahilang patapos na ang enrollment at nakapagtaas na rin sila ng matrikula.

 

Si Atty. Adel Tamano, kasalukuyang pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), binatikos naman ang kautusan at sinabing “wala itong silbi.” At dahil “short term measure” lamang, wala din daw itong makabuluhang epekto.

 

Kaya naman, inihayag ng grupong League of Filipino Students (LFS) na walang pinag-iba ang anunsyo ni Arroyo sa isang “palabas” na nakatuon lamang sa pagpapalapad sa guhong popularidad ng Pangulo.

 

Ang ugat ng mataas na matrikula

 

Kung tutuusin, talagang sinadya ni Arroyo na ihuli ang kaniyang wala na ring kwentang kautusan sapagkat inutil maging ang pamahalaan na takdaan ang mga malalaking pribadong eskwelahan pagdating sa matrikula. Pogi-points, kumbaga.

 

At maging ang Commission on Higher Education (CHED) ay aminado dito. Sa isang pahayag, tinuran ni CHED Deputy Executive Director Julito Vitriolo na sadyang “powerless” ang pamahalaan pagdating sa pagtaas ng matrikula.

 

 “We can only appeal to their (private school owners) social responsibility not to hike their tuition fee too much. They have the law to back them up on this,” aniya.

 

Ang batas na tinutukoy ni Vitriolo, na parang mahusay na abugado ng mga pribadong paaralan, ay ang Batas Pambansa 232 o mas kilala sa tawag na Education Act of 1982.

 

Itinakda ng nasabing batas ang deregulasyon sa kabuuang sistema ng edukasyon sa bansa. Kaya naman, ito ang pangunahing salarin sa walang katapusang pagtataas ng matrikula dahil ginawaran ang mga pribadong paaralan ng buong karapatan na magtakda ng kanilang sisingiling tuition fee.

 

Ito ang dahilan kung bakit sa ngayon, ang isang academic unit sa Ateneo de Manila University ay nagkakahalaga na ng  P2,517.03; P2,045.33 naman sa De la Salle University (na trimester); P1,400 sa Mapua Institute of Technology; P1,072.90 naman sa University of Santo Tomas, P922 sa St. Paul College of Quezon City, at P786 sa San Sebastian College.

 

Sa mga state universities and colleges (SUC) naman, P12 ang bayad kada unit sa Polytechnic University of the Philippines, samantalang umaabot sa P1500 naman ito sa Unibersidad ng Pilipinas.

 

Siyempre, liban pa dito ang karagdagang singil sa mga miscellaneous fees gaya ng halatang gawa-gawang P976 Internet fee na sinisingil ng University of the East Manila; P250 athletics fee kuno sa Asian School of Arts and Sciences kahit wala namang varsity team sa paaralan; at ang P250 na umano’y development fee sa Polytechnic University of the Philippines.

 

Lahat pataas

 

Sa buong bansa, 378 na mga pribadong kolehiyo at unibersidad ang nagtaas ng 10% na matrikula ngayong pasukan. At ang lahat ng pagtaas na ito ay may pagsang-ayon mismo ng CHED.

 

“The agency does not expect any skyrocketing increase in the tuition,” sambit ni Vitriolo sa gmanews.tv nitong mga unang araw ng Mayo, pero agad naman niyang idinugtong: “I daresay that the increase would only be around eight to ten percent.” Nahalata tuloy na ang gubyerno mismo ang nagbibigay ng go-signal, hindi sa kung magkano ang maaaring ibababa ng matrikula kundi kung hanggang magkano ang puwedeng itaas nito.

 

Sa mga pribadong paaralang pang-elementarya naman, mahigit sa 50 ang humiling na magtataas ng tuition, at ito ay sa Kalakhang Maynila pa lamang.

 

Ayon sa Department of Education nagpetisyon ang Saint Theresa’s College ng pagtaas na 5%; 10% sa Saint Joseph College; 8% sa Trinity University of Asia at 6% naman sa Ateneo de Manila.

 

Sa Maynila, ang Malate Catholic School ay humiling ng 11% pagtaas. Samantalang ang elementary division ng University of the East at San Juan de Letran ay parehong nagpetisyon ng 10% pagtaas. Ang mga eskwelahan namang Las Piñas College, Batasan Chunan Christian School, at Southeastern College ay humiling ng 25% hanggang 47% na increase.

 

Dahil sa sobrang taas ng tuition fee sa ngayon, hindi malayong mas dumami ang bilang ng mga drop-outs at mga magsisilipat na lamang sa mga pampublikong paaralan. Tinaya na nga ng DepEd na maaaring lumobo na sa 20 milyon ang mga mag-aaral sa public elementary at secondary schools mula sa kasalukuyang 17.6 milyon dahil na rin sa taas ng matrikula.

 

At sa kolehiyo, kinumpirma na rin ng Polytechnic University of the Philippines na padami na ng padami ang nagsisilipat na mga estudyante sa kanila dahil na rin sa relatibong baba ng matrikula dito.

 

“A lot of students are transferring. They really wait for their slots and those on the waiting list come back here every day to check,” sabi ni Divina Pasumbal, hepe ng Public Information Office ng PUP.

 

Sa 2.5 milyon na nakatakdang pumasok ngayong taon sa sa 112 na pampublikong kolehiyo at unibersidad, 64 na paaralang patakbo ng mga lokal na gubyerno at mahigit 1,800 na mga pribadong institusyong pang-edukasyon; hindi na kagulat-gulat na malaking bulto sa kanila ay mapipilitan na lamang na huminto na sa pag-aaral dahil sa sobrang taas ng matrikula.

 

At habang hindi nababasura ang Eduacation Act of 1982, hindi pa rin mababago ang sitwasyon.

 

Kaya kahit ano pang mabulaklak na pananalita ang magmula kay Arroyo, puro pambobola lamang ito at pang-gogoyo. Malas lamang niya, hindi na niya kayang lokohin pa ang mga estudyante at mga mamamayan. 

 

Sa panahon ngayon ng matinding krisis, talagang dagdag pasanin sa naghihirap na mamamayan ang nagtataasang tution fee. Ika nga ni Dion Carlo Cerrafon, Pangulo ng Kabataang Pinoy:Now they have to make a choice between sending their children to school and their own everyday survival. Poverty and government neglect have made education a luxury to many of our countrymen.”###

About these ads

8 Comments

  1. dapat ibaba ang lahat

  2. I am a public student…so ako ngayon ay nag-aalala sa mga bagay bagay na nang-yayari ngayon tulad ng sa tuition fees…Ang pagtaas ng mga singilin sa mga estudyante ay malaking hadlang para sa amin na makapag-aral o makapasok sa kolehiyo.kaya sana naman may mga pag-babago o pag-baba sa matrikula ng mga estudyante lalo na ngayon graduating student poh ako….

  3. kapoy kau skwela oi undang nako karn kay wa nako money for that kind of thing,.

  4. gusto ko nang 2migil sa pag aaral dhil mataas na talaga ang tuition fee ngaun,.

  5. gusto ko nang 2migil sa pag aaral dhil mataas na talaga ang tuition fee ngaun,. hehehehehehehehehehhhehheheeeeehe!

  6. pnu nman ung mga may financial problem kng tlgang mgtataas ang tuition fees ngaun?

  7. naghihirap n nga ang mga tao pero tintaasan niu p rn ang tution.. sna b tuition lng ang 2mataas..e’hndi e,lhat 2maas n,lhat my presyo n..nu b yan??

  8. maraming salamat sa web page na ito sa kadahilanang malaki ang naitutulong nito sa aking term paper tungkol sa SULIRANIN SA MATRIKULA SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA SEKUNDARYA…………..


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 31 other followers